Pakikipagtulungan
Sa Cultivest, naniniwala kami sa kakayahan ng mga partners na lumikha ng sustainable future para sa agrikultura. Malugod naming tinatanggap ang pakikipagsosyo sa isang malawak na hanay ng mga organisasyon at indibidwal na kapareho ng aming vision sa pantay na pag-access sa mga merkado at sustainable na agrikultura. Sama-sama, makakagawa tayo ng positibong epekto sa kabuhayan ng mga magsasaka at industriya ng agrikultura.​
Mga Kooperatiba at Asosasyon ng mga Magsasaka
Naniniwala kami na ang pagbibigay suporta at kakayahn sa mga maliliit na magsasaka ay susi sa pagkamit ng sustainable na agrikultura at pagbabawas ng kahirapan.
Nakikipagtulungan kami sa mga kooperatiba ng magsasaka upang maabot ang mga maliliit na magsasaka na gustong mapabuti ang kanilang access sa merkado at direktang kumonekta sa mga potensyal na mamimili o supplier.
Mga Mamumuhunan o Investors
Nakikipagsosyo kami sa mga mamumuhunan o investors at iba pang organisasyon na nakatuon sa pagsuporta sa pagbabago ng AgriTech at sustainable na agrikultura.
Mga Supplier at Mamimili ng Agrikultura​
Nakikipagtulungan kami sa mga supplier para sa mga de-kalidad na input, kagamitan at serbisyo sa transportasyon na nakikinabang sa mga maliliit na magsasaka sa pagiging produktibo at sustainable na mga kasanayan.
Mga NGO at Korporasyon at Ahensya ng Gobyerno​
Nakikipagtulungan kami sa mga NGO, korporasyon, at ahensya ng gobyerno upang isulong ang pantay na pag-access sa mga merkado at suportahan ang sustainable na agrikultura.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, maaari nating gamitin ang ating mga resources at expertise upang lumikha ng positibong epekto sa lipunan at kapaligiran sa mga komunidad kung saan tayo nag-ooperate.